DOH

Nahawa ng COVID halos 3k

16 Views

NADAGDAGAN ng 2,934 ang bilang ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa mula Enero 9 hanggang 15.

Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH) mas mababa ito kumpara sa 3,127 na nahawa mula Enero 2 hanggang 8.

Sa mga bagong kaso isa ang severe o kritikal.

Nadagdagan naman ng 116 ang bilang ng mga namatay sanhi ng COVID-19. Sa bilang na ito 14 ang nangyari mula Enero 2 hanggang 15.

Ang iba pa ay noong 2020 hanggang 2022 at hindi lang kaagad naiulat sa DOH.