Calendar
Pinakamababang halaga ng piso kontra dolyar naitala
NAITALA ngayong Martes, Setyembre 27, ang pinakamababang lebel ng Philippine peso kontra sa US dollar.
Nagsara ang palitan sa P58.99:$1, ang bagong historic low.
Tinalo nito ang P58.5:$1 na naitala noong Lunes, Setyembre 26.
Ito na ang ika-11 beses na nakapagtala ng historic low ang Philippine peso ngayong Setyembre.
Noong Setyembre 2 nagsara ang palitan sa P56.77:$1. Napalitan naman ang pinakamababang halaga noong Setyembre 5 matapos maitala ang P56.999:$1.
Noong Setyembre 6 ay naitala naman ang P57.00:$1 na sinundan noong Setyembre 8 ng P57.18:$1.
Noong Setyembre 16 ay bumaba ang halaga ng piso sa P57.43:$1, at nasundan ito noong Setyembre 20 kung kailan nakapagtala ng P57.48:$1.
Umabot naman sa P58:$1 ang palitan noong Setyembre 21 at noong Setyembre 22 ay naitala ang P58.49:$1.
Ngayong taon ay umaabot na sa P7.99 ang ibinababa ng halaga ng piso. Nagsara ang palitan noong 2021 sa P50.999:$1.