Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Cabanatuan Inihayag sa press conference kasama si Cabanatuan City Mayor Myca Elizabeth Vergara at mga opisyal ng Department of Agriculture at PhilMech ang planong pagtatayo sa Cabanatuan ng planta para sa produksyon ng makinaryang pang-sakahan na pamumunuan ng South Korean consortium na tinawag na Korea Agriculture Machinery Cooperative (KAMICO).

Planta ng makinaryang pansaka itatayo sa Cabanatuan

Steve A. Gosuico Nov 29, 2024
73 Views

LUNGSOD NG CABANATUAN–Malapit nang itayo ang bagong assembly at manufacturing plant ng mga makinaryang pansakahan na pag-aari ng Korean consortium sa 20-ektaryang lupain sa Bgy. Bakod-bayan sa siyudad na ito.

Maitatayo ang pabrika sa pagsisikap ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) ng DA-regional field office-3 ng Cabanatuan City government at ng Korea Agriculture Machinery Industry Cooperative (KAMICO) na kinakatawan ng FitCorea.

Ang pag-aanunsyo ng nasabing proyekto ibinida noong Biyernes kasabay ng unang araw ng paglulunsad ng dalawang araw na “Machinery Roadshow 2024.”

Sinabi ni Dr. Eduardo L. Lapuz Jr., DA-regional executive director III, ang paglulunsad ng “Machinery Roadshow 2024” naglalayong isulong at ibandera sa publiko, mga magsasaka at stakeholders ang pinakabagong edisyon ng mga makinarya para sa palay, mais at iba pang high-value crops bilang tugon sa tema ngayong taon na “Gitnang Luzon: Sentro ng Mekanisasyon.”

Sinabi ni Mayor Myca Elizabeth Vergara na “welcome development” para sa kanya ang planong pagtatayo ng nasabing pabrika na itinuturing na kauna-unahan sa lungsod.

Naaayon ito sa layunin ng pamahalaang lungsod na lumikha ng mas maraming trabaho at palakasin ang lokal na sektor ng manggagawa, kabilang na rin ang kita ng mga magsasaka, ayon sa alkalde.

Kapag natapos ang proyekto, inilarawan ni Vergara na maituturing itong “lasting legacy” para kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., mga lokal na pinuno at para sa mga magsasaka.