Gadon

Plaza Miranda bombing part 2 posible

264 Views

Sapantaha ni Gadon:

HINDI malayong maulit ang madugong Plaza Miranda bombing at gagawin uli ito ng teroristang New People’s Army (NPA) sa campaign rally mismo ng kaalayansa nilang si Leni Robredo.

Ito ang sapantaha ni UniTeam senatorial candidate Atty. Larry Gadon kasabay ng pagsasabing walang maibibigay na buti ang koalisyon ngayon ng Leni-NPA terrorist group.

“Pareho silang naggagamitan at pareho silang naggagaguhan. Ang problema lang, taumbayan ang kawawa rito dahil minsan nang ginawa ni Joma Sison na guluhin ang bansa at hindi malayong gagawin nila uli ito gamit uli ang hanay ng oposisyon na ngayon ay pinklawan na,” ani Gadon.

Ang madugong Plaza Miranda bombing ay naganap noong August 21, 1971 sa tapat ng Quiapo Church (Minor Basilica of the Black Nazarene) kung saan ay siyam na katao ang nasawi at 95 iba pa ang sugatan, kabilang ang ilang prominenteng pulitiko mula sa Liberal Party na siyang ‘iniwan’ kunwari na partido ngayon ni Robredo.

“Ginisa sa sariling mantika ni Joma ang oposisyon ngayon tapos itinuro kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Hindi malayong ganito uli ang gawin nila at ituro naman sa kampo ni Bongbong Marcos na malayong mangyari dahil mula’t mula ay ‘unity’ ang panawagan ni BBM, samantalang sina Leni ay may alyansa sa teroristang NPA,” sabi pa ni Gadon.

Kung matatandaan, mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagkumpirma ng sabwatang Leni-NPA terrorist group at sinabi pa nito na may plano silang guluhin ang darating na halalan.

“Kapag nangyari ito ay huwag na huwag nilang ibintang kay BBM kasi walang sinumang nangungunang kandidato ang gustong guluhin ang eleksiyon lalo’t isa na siyang presidential frontrunner ngayon,” sabi pa ni Gadon.

“Samantalang sina Robredo, bayad at hakot na nga ang crowds nila, kulelat pa sila sa mga survey,” sabi pa niya.

Kasabay nito, nanawagan si Gadon sa lahat ng bayarang supporters ni Robredo na mag-ingat sa pagtanggap ng P500 para lamang sumama sa rally sa iba’t ibang probinsiya.

“Kung ako sa kanila, hindi na ako pupunta sa sarili ni Robredo dahil masyadong delikado,” wika pa ni Gadon.

“Tatanggap ka ng P500 tapos iyon pala ay papasabugin din ng kaalyado nilang terorista? Mga walang konsensiya ang mga iyan. Itong namang si Leni, napakabobo talaga! Makikipag-alyansa lang sa terorista pa! Ang kawawa pa riyan mga oligarch na nakapusta sa kanya kasi mula’t mula mga teroristang NPA na ang panggulo sa mga negosyante at kapitalista. Kaya isip-isip din pag may time dahil bawal na ang bobo ngayon,” sabi pa ni Gadon.