Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Cabanatuan Pinangunahan ni P/Col. Richard Caballero ang accounting ng mga pulis sa Cabanatuan City.

Police accounting ginawa sa Cabanatuan

Steve A. Gosuico Dec 12, 2025
431 Views

CABANATUAN CITY–Nagkaroon ng accounting ng mga pulis sa Cabanatuan City police noong Huwebes, ayon kay P/Col. Richard Caballero, chief of staff ng PNP-Intelligence Group sa Camp Crame.

Umabot sa 157 na pulis ang kasama sa accounting.

“Ang aktibidad natin ngayon ay tungkol sa Oplan Disiplina o national accounting of police personnel,” sabi ni Caballero.

Paliwanag ng opisyal, marami silang teams mula sa iba’t-ibang unit ng PNP sa Camp Crame ang nagsasagawa ng personnel accounting sa Tarlac, Aurora at Nueva Ecija.

“Iniiwasan natin dito yung tinatawag na ‘lubog’ o “15/30” mga pulis na naka-VIP security, sumasideline ng ibang trabaho, o kaya nasa abroad pero hindi nag-file ng leave of absence,” pahayag ni Caballero sa Journal Group.