Mike Larawan: CarlottaFilms/FB

Premyadong direktor na si MIke de Leon pumanaw na sa edad na 78

540 Views

PUMANAW na sa edad na 78 ang premyadong direktor at haligi ng pelikulang Pilipino na si Mike de Leon, kumpirmado ng kanyang pamilya. Kinilala rin ang kanyang pagpanaw sa ulat ng French distributor na Carlotta Films, na kamakailan ay naglabas ng Blu-ray box set ng kanyang mga pelikula.

Si de Leon ang utak sa likod ng ilang pinakamahuhusay na obra ng bansa tulad ng Kisapmata (1981), Batch ’81 (1982), at Sister Stella L. (1984). Bago ito, gumawa siya ng dalawang short films na Sa Bisperas (1972) at Monologo (1975).

Bilang producer, nakilala rin siya sa mga proyektong Happy Days Are Here Again (1974) ni Cirio Santiago at ang obra ni Lino Brocka na Maynila sa mga Kuko ng Liwanag (1975). Noong 1976, inilabas niya ang kanyang unang full-length film na Itim.

Hindi lang direktor si de Leon — nagsilbi rin siyang cinematographer, editor, at manunulat. Patunay ito ng kanyang lawak at lalim bilang alagad ng sining na nag-ambag nang malaki sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.