Fuel

Preso ng produktong petrolyo muling sisirit pataas

Edd Reyes Sep 1, 2025
253 Views

MULING sisirit pataas ang presyo ng diesel sa halagang P1.00 kada litro habang P 0.70 sentimos kada litro ang gasolina at kerosina simula sa unang araw ng Martes ng buwan ng Setyembre.

Magkakasabay na nag-abiso ng taas-presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ang Petron Corporation, Chevron Philippines, Seaoil Philippines, Pilipinas Shell, at Flying V na ipatutupad simula alas-6:01 ng umaga.

Ang PTT Philippines, Total Philippines at iba pang mga kompanyang hindi nagbebenta ng kerosina ay magpapatupad din ng kahalintulad na pagtataas ng halaga ng kanilang diesel at gasoline simula alas-6:01 ng umaga habang alas-4:01 naman ng hapon ang Clean Fuel.

Nauna ng iniulat ng Department of Energy (DOE) na ang panibagong paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan ay bunsod ng pagbaba ng imbentaryo ng langis sa Estados Unidos at kanilang pagpapataw ng bagong taripa sa bansang India.