Rape Ang nakakulong na at inaresto pang suspek ng mga operatiba ng MPD Warrant Section Delpan police station.

‘Preso’ sinilbihan ng warrant of arrest para sa kasong rape

Jon-jon Reyes Oct 8, 2026
112 Views

NAKAKULONG na, inaresto pa ng mga pulis ng Manila Police District-Delpan police station 12 ang 29-anyos na binata dahil sa kasong rape by sexual assault sa loob ng custodial facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Quezon Boulevard, Brgy. 310, Sta. Cruz, Manila noong Miyerkules.

Nakilala ang suspek sa alyas Jessie Boy, ayon kay PLt. Col. Felimon Cacap, hepe ng MPD Delpan police station 12.

Bandang alas-3:50 ng hapon ng matimbog ang suspek sa pamumuno ni PLt. Ferdinand Omli ng Warrant Section sa nasabing Istasyon.

Isinilbi ang warrant of arrest laban sa akusado para sa krimeng rape by sexual assault na may inirekomendang piyansa na P120,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang warrant ay inisyu ni Judge Richie Macapagal, Presiding Judge ng RTC Branch 5 Manila City.

Ang akusado ay kabilang sa Top 5 Most Wanted Persons at nakapiit sa custodial facility ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Manila City Jail Male Dormitory.