LPG

Presyo ng LPG tataas; presyo ng gas, diesel bababa

Edd Reyes Dec 27, 2024
15 Views

POSIBLENG bumaba ng halos hindi maramdamang 30 hanggang 65 sentimos kada litro ang gasolina, 30 hanggang 55 sentimos kada litro sa diesel at 80 sentimos hanggang 90 sentimos kada litro ng kerosene sa Martes, Dec. 31 na sasabayan naman ng pagsirit ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG)

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad na ibinatay nila sa tatlong araw na kalakaran ng langis ang halaga ng tapyas-presyo.

Karaniwang inia-anunsiyo ng mga kompanya ng langis ang panibagong galaw ng presyo ng langis tuwing Lunes na ipinatutupad kinabukasan.

Samantala, sasalubungin ng taas-presyo ng LPG ang mga consumers sa bagong taon bunga ng paglakas ng demand nito sa malalaki at malalamig na bansa.