Holdap

Pulis patay matapos rumesponde grupo sa holdapan na naginng engkuwentro

598 Views

DALAWA ang patay, kabilang ang isang pulis, habang dalawang sibilyan ang sugatan matapos mauwi sa engkuwentro ang pagresponde ng mga ito sa holdapan nitong Lunes ng madaling araw sa sa Brgy Commonwealth, Quezon City.

Dead on arrival sa Maclang Hospital ang pulis na si Patrolman Curtney Harwin Baggay, habang inoobsebahan pa ang kasama niyang si Patrolman Robert Gregorio, kapwa nakatalaga sa District Tactical Motorized Unit.

Ang nasawing ‘di pa kilalang holdaper ay nasa 25-35, may taas na 5’4″, nakasuot ng balck t-shirt na may Skeptron marking, itim na jogging pants at tsinelas.

Sugatan naman matapos tamaan ng ligaw na bala ang mga biktima na si alyas “Sonny”, at ang bystander nakilalang si alyas “Irah”.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang 2:30 ng madaling araw nitong Lunes (June 30) nang maganap ang engkwentro sa kanto ng Katuparan at Katipunanan Sts., sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Randy Narciso at PSSg Charlie Julaton, bilang bahagi ng ipinatutupad na police visibility, nagbabantay ang biktima at kasamang pulis malapit sa gate ng Benigno Aquino Elementary School sa Katuparan St., Brgy. Commonwealth, nang makarinig sila ng putok ng baril.

Agad nagreponde ang dalawang pulis at sa loob ng 30-segundo ay dumating sila sa lugar subalit isang lalaki na nasalubong ni Baggay ang nagturo umano kung saan tumakbo ang suspek.

Pagtalikod ni Baggay upang tugisin ang suuspek ay agad naman siyang binaril ng nakasalubong na lalaki na isa palang holdaper.

Bagamat sugatan, nagawa naman gumanti ng pulis at pinaputakan ang suspek.

Agad ding sumaklolo ang mga nagrespondeng pulis at pinaputkan ang holdaper na agaran nitong ikinasawi.

Nabatid na bago ang engkwento, hinoldap ng suspek ang biktimang si alyas “Sonny” at binaril sa kaliwang balikat kung saan tinamaan naman ng ligaw na bala ang babae na si alyas “Irah”.

Ang dalawa ay kapwa isinugod sa Maclang Hospital kung saan sila patuloy na inoobserbahan.

Nagpahatid naman ng pakikiramay ang QCPD at kinilala ang kabayanihan ng napaslang na pulis.

“The QCPD mourns the untimely passing of a courageous and dedicated public servant who made the ultimate sacrifice in the performance of his sworn duty. We extend our deepest condolences to the family and loved ones of Patrolman Harwin Curtney Baggay and assure them of our full support in this time of grief.

As we honor the bravery of Patrolman Harwin Curtney Baggay, the QCPD reaffirms its unwavering commitment to uphold peace and order in Quezon City. The loss of one of our own only strengthens our resolve to relentlessly pursue justice and protect our communities, even in the face of danger.”