Calendar
Pulis-QC hinuli 181 suspek sa krimen
UMABOT sa 181 suspek sa krimen ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) mula Hunyo 21 hanggang 27.
Mga sangkot sa ilegal na droga, wanted persons, ilegal na sugal at illegal possession of firearms ang nahuli.
Sa 41 anti-drug operations, 60 ang nadakip at nasamsam ang tinatayang P987,868 halaga ng ilegal na droga.
Sa manhunt, 74 wanted persons ang naaresto, kabilang ang 38 most wanted at 36 iba pang wanted.
Dalawa ang naaresto sa anti-illegal firearms operations, habang dalawang baril ang nakumpiska.
Samantala, 45 indibidwal ang nahuli sa 32 anti-illegal gambling operations, kung saan nasamsam ang P18,371 na bet money.
Kabilang sa mga naaresto si alyas Pablo, na nadakip sa kasong murder matapos magtago sa loob ng 32 taon.
Naaresto rin si alyas Eusebio, dahil sa frustrated murder matapos magtago ng 22 taon at si alyas Antonio na nahuli sa kasong grave threats makaraang umiwas sa mga awtoridad sa loob ng 12 taon.
Nahaharap ang mga naaresto sa mga kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591 at PD 1602.
Ayon kay PBGEN Randy Glenn Silvio, magpapatuloy ang QCPD sa walang humpay na kampanya laban sa kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mga residente ng Quezon City.
