Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Pic

PULIS SA VIRAL ‘BATOK’ VIDEO SA TUGUEGARAO, SINIBAK SA PWESTO; INIIMBESTIGAHAN

Alfred Dalizon Apr 27, 2026
152 Views

INALIS sa puwesto at iniimbestigahan na ang isang pulis ng Philippine National Police sa Tuguegarao City matapos kumalat ang viral video kung saan makikitang hinataw nito sa batok ang isang motorcycle rider noong Sabado.

Kinumpirma ni PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf T. Tuaño na ang sangkot ay isang Police Staff Sergeant na nakatalaga sa Tuguegarao City Police Station, at siya ang pulis na makikitang bumatok sa rider sa harap ng SM City Tuguegarao.

Batay sa paunang imbestigasyon, sangkot umano ang 48-anyos na rider sa banggaan sa kapwa motorista bago ang insidente.

Ayon kay Tuaño, “Mukhang nakainom ang driver, unruly din siya at nakuhanan pa ng kutsilyo.”

Pero nilinaw ng opisyal na hindi ito sapat na dahilan para saktan ng pulis ang motorista.

“Unruly daw pero it was not a reason para saktan ang isang motorista,” giit ni Tuaño.

Dahil sa insidente, ipinag-utos din ng Regional Director ng Police Regional Office 2 na si Brig. Gen. Antonio P. Marallag Jr. ang pag-relieve sa commander ng Police-Community Precinct at patrol supervisor ng nasabing pulis habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.