Suspek

Pumaslang noong Martes, huli noong Huwebes

Edd Reyes Aug 20, 2026
168 Views

NASUKOL ng mga pulis noong Huwebes sa Binangonan, Rizal, ang isang suspek sa pamamaril sa Taguig City noong Martes na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng isa pa, at sumunod na naaresto ang lima pang suspek.

Iniharap ni Taguig police chief P/Col. Julius Anonuevo kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco si alyas “Terter” na pangunahing suspek sa pagpatay sa 40-anyos na biktima at malubhang pagkasugat sa 21-anyos na call center agent noong Agosto 18 alas-5:30 ng umaga sa Pulong Kendi, Barangay Santa Ana, Taguig City.

Nadakip din ang lima pang kasabwat ni alyas “Terter” nang ituro ang kinaroroonan ng mga ito sa Brgy. Palangoy, Binangonan.

Nakuha sa suspek ang isang cal .40 pistol na kargado pa ng bala ang magazine na hinihinalang ginamit sa pamamaslang sa biktima.