Suspect Ipinaalam ni PCpl. Dennis Dela Cruz sa nasasakdal ang kanyang mga karapatang konstitusyonal na itinakda ng batas.

Lalaki timbog sa lascivious conduct

Jon-jon Reyes Aug 20, 2026
175 Views

HULI ang lalaki na may patung-patong na kaso ng lascivious conduct at paglabag sa Republic Act (RA) 7610 na nakatala sa Top 5 most wanted person, sa D. Ramon Fernandez Street, Gagalangin, Tondo, Mabila, noong Miyerkules.

Nakilala ang 35-anyos na suspek na si alyas “Adrian,” ayon sa report kay PLt. Col. Felimon Cacap, station commander ng Delpan Police Station 12.

Bandang alas-3:05 ng hapon nang damputin ang suspek nina PLt. Ferdinand Omli.

Naaresto ang suspek batay sa warrant of arrest para sa mga krimen na lascivious conduct at paglabag sa RA 7610 na inisyu ni Judge Mariesther Vedana, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 48 ng Maynila.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Criminal Investigation and Detection Group-Manila ang suspek.