QCPD

QC cops hinuli 66 crime suspek, violators

257 Views

ANIMNAPU’T-anim na violators at suspek sa krimen ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Gulod at Nitang Avenue, Novaliches kamakailan.

Dalawa sa mga nadakip ay dahil sa paglabag sa RA. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), dalawa sa paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling) at isa para sa paglabag sa RA 10883 (Bagong Anti-Carnapping Act of 2016).

Dinakip din ang 52 indibidwal dahil sa traffic violations, lima dahil sa paglabag sa curfew hours at dalawa dahil sa pagiging hubad ng pang-itaas na damit habang nasa labas ng bahay.

Bukod dito, na-impound ng mga awtoridad ang siyam na motorsiklo at narekober ang isang nakaw na motorsiklo.

Lahat ng lumabag sa ordinansa inisyuhan ng Ordinance Violation Receipts (OVRs).