MDAD

QC MDAD may FB page para sa presyo, listahan ng bilihin

Cory Martinez Sep 23, 2025
399 Views

SINABI ng Market Development Administration Department (MDAD) ng Quezon City na makikita na sa kanilang official Facebook page ang listahan ng mga pangunahing bilihin at halaga ng mga ito sa araw araw upang mabigyan kaalaman ang publiko kung magkano ang halaga ng bilihin sa araw araw.

Sa isinagawang QC Journalists’ Forum noong Martes, sinabi ni Jerry Garcia ng MDAD na lahat ng items makikita sa kanilang Facebook page.

Ayon naman kay Bernadette Mejia ng Private Market Division ng MDAD, nagsasagawa din sila ng monitoring sa mga paninda para matiyak na tama at walang nagsasamantala sa presyo ng bilihin laluna kung may bagyo at pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Dagdag pa ni Mejia, kapag may bagyo, may isa hanggang 2 araw mararamdaman ang epekto ng kalamidad sa mga paninda sa mga palengke.

Ang mga upland vegetables tulad ng mga Baguio veggies ang karaniwang tumataas ang presyo ng 10 percent kapag may kalamidad.

Paliwanag pa ni Mejia, nagrerekomenda lamang sila sa Department of Agriculture (DA) ng mga mahuhuling nagtataas ng presyo na hindi itinakda sa SRP ng ahensiya at ang DA na ang maggagawad ng parusa dito.

May multang P300 sa first offense, P500 sa second Offense at P1,000 sa 3rd offense at revocation ng business permit sa mga mahuhuling lalabag.

Ang mga City Owned public market na patuloy na sinusubaybayan ng MDAD ay ang Kamuning market, Galas Market, Project 2 market, Project 4 public market, San Jose Public Market, Calalay public market at Murphy public market.