Calendar
Kinilala ni PLt.Col Arwen Nacional ang suspek sa pananaksak.
Kelot, 52, sumuko sa kasong pananaksak sa 15-anyos sa rally
KUSANG LOOB na sumuko ang isang 52-anyos na lalaki na nanaksak umano ng isang 15-anyos na binatilyo sa kasagsagan ng rally sa Mendiola Recto noong Sept 21 2025.
Sa isinagawang followup operation ng mga operatiba ng MPD PS14 sa pamumuno ni Police Lieutetant Colonel Arwen Nacional, kinilala ang suspek na si alyas Cardo, manggagawa ng relo at residente sa Tondo Maynila..
Ayon sa pulisya, ang suspek ay may puwesto o maliit na espasyo kung saan doon siya gumagawa ng relo na matatagpuan sa kahabaan ng Recto. Dito sumiklab ang kaguluhan na kinasangkutan ng mga kabataan.
Ang nasawin ay residente sa Taguig City.
Ayon sa suspek nagalit umano ito nang makita ang kaharasan ng ilang kabataan.
Ang mga kabataan ay nakasuot ng itim na damit at face mas. Sinunog nila nag ilang gamit, motorsiklo at binasag ang salamin sa ilang establismyento.
Dito na nilapitan ng suspek ang biktima at inundayan ng saksak sa katawan.
Nakatakbo pa ang biktima subalit humandusay ito at naisugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Sta cruz Manila.
Agad naman itinawag ng guwardiya ang insidente sa himpilan ng MPD Barbosa.

