NBI Isinalaysay ni NBI Director Jaime Santiago ang ginawang pag rescue sa mga menor-de-edad kasabay sa pagkakaaresto ng isang indibidwal sa Quezon City. JONJON C. REYES

NBI kinalawit suspek sa child sex exploitation

Jon-jon Reyes Sep 23, 2025
136 Views

ISANG suspek sa kasong child sexual exploitation ang naaresto ng National Bureau of Investigation NBI-Human Trafficking Division (HTRAD) at na-rescue ang limang menor-de-edad na biktima noong Huwebes sa Quezon City

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-ugat ang operasyon sa referral ng Royal Canadian Mounted Police (RCMP) na nauna nang naghalughog sa bahay ng Canadian national.

Sinuri ng mga imbestigador ang device ng Canadian national at nakakita ng mga usapan gamit ang Skype username.

Ang mga resulta ng forensic na ipinasa sa NBI-HTRAD ay nagsiwalat na ang suspek ay tumatanggap ng mga bayad mula sa naarestong Canadian national upang mapadali ang online na sekswal na pang-aabuso ng isang 12-anyos na kamag-anak.

Nahanap ng mga ahente ng NBI-HTRAD ang subject at naidokumento ang kanyang mga aktibidad.

Kakasuhan ng qualified trafficking in persons ang suspek.

Binigyang-diin ni Santiago na hindi natitinag ang pangako ng NBI na tutugisin ang mga gumagawa ng child online sexual exploitation.