Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Tondo Mistulang battleground ang lugar na ito sa pagitan ng mga residente at demolition team na gumiba sa mga shanties sa Jose Abad Santos St., Tondo, Manila. Kuha ni JonJon Reyes

Residente, demolition team nagbardagulan sa demolisyon

Jon-jon Reyes Aug 28, 2025
415 Views

Tondo1MAINIT at napuno ng tensyon ang eksena sa pagitan ng mga residente at demolition team ng mga barong-barong sa Jose Abad Santos St. sakop ng Brgy. 227 sa Tondo, Maynila noong Huwebes.

Ayon sa report , may dalang court order ang mga mag dedemolish para sa gigibaing mahigit 30 mga bahay sa southbound lane ng Abad Santos Avenue malapit sa Antipolo St., Tondo.

Nagmatigas ang mga residente dahil hindi umano daw nagpakita ng sapat na dokumento ang sheriff.

Dahil dito, hinarangan nila ng yero ang harapan ang kalye papasok sa kanilang lugar at maging ang kanilang mga bahay ay may mga naka harang din.

Sinubukan ng demolition team, kasama ang mga pulis, na pasukin ang lugar, ngunit sinalubong sila ng mga nagliliparang bote, bato at kahoy

Dalawang beses sinubukan ng demolition team na pumasok, ngunit hindi sila nagtagumpay dahil sa pagtutol at pag mamatigas ng mga residente doon.

Kalaunan, namagitan ang hepe ng Manila Police Distruct station-7 at tatlong konsehal at nakiusap sa demolition team na huwag munang ituloy ang demolisyon.

Lumipas naman ang ilang oras humupa rin ang tensiyon, kaya nakakuha ng pagkakataon ang mga demolisyon team para gibain ang mga tahanan..

May naiulat na nasaktan sa mga nagde-demosih matapos mabagsakan ng kahoy ang ulo nito.

Maging ang dalawang pulis at isang opisyal natamaan din sa ulo ng nga inihagis na debris.