Calendar
Bus nawalan ng preno, nauwi sa karambola ng 10 sasakyan
SAMPU ang sugatan sa karambola ng mga sasakyan matapos mawalan ng preno ang isang bus sa Commonwealth Northbound malapit sa gate ng Doña Carmen sa lungsod Quezon nitong Huwebes ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) na pinamumunuan ni PLt. Col. Geoffrey Lim nangyari ang insidente bago mag ala siyete ng umaga, August 28, 2025, sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kanto ng Doña Carmen Avenue, Barangay Commonwealth, Quezon City.
Unang nabangga ng bus ang isang sedan hanggang sa madamay ang UV Express van, isang pampasaherong jeep at anim na motorsiklo, tent ng Bureau of Animal Industry inspection site at perimeter fence ng MRT-7 railway structure.
Nabatid na nawalan ng preno ang bus kaya mabilis nang umalis ito galing sa Litex
Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at dinala sa Rosario Maclang Bautista Hospital ang mga biktima.
Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Damage to Property at Multiple Physical Injuries ang driver ng bus.

