Rider utas sa pamamaril

364 Views

PATAY ang isang rider na pinagbabaril ng kapuwa rider noong Sabado sa Quezon City.

Dead on arrival sa Quezon City General Hospital (QCGH) ang 25-anyos na biktima dahil sa mga tama ng bala ng baril sa likod, ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit-Quezon City Police District (CIDU-QCPD).

Nangyari ang krimen bandang alas-4:37 ng hapon sa Spring Drive Street, Road 20, Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo sa Spring Drive Street nang sabayan ng hitman-rider na naka-orange na helmet at asul na long-sleeve shirt.

Sunud-sunod na pinagbabaril ng suspek ang biktima sa likuran at saka tumakas patungong Shorthorn Street sa Brgy. Bahay Toro.

Nakarekober ng SOCO team sa pangunguna ni PMaj. Eric Angay-Angay ang limang basyong bala sa crime scene.