Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
MPD7 Natimbog ng mga operatiba ng MPD ang dalawang suspek na sangkot sa insidente ng pamamaril sa Malate, habang nasa malubhang kalagayan naman ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at pisngi. Kuha ni JONJON C. REYES

RIT binoga lalaki sa dibdib, pisngi; biktima malubha

Jon-jon Reyes Aug 20, 2025
235 Views

MPDMPD1MPD2MPD3MPD4MPD5MPD6ANG himpilan ng Manila Police District sa pamumuno ni PBGen. Arnold E. Abad, Acting District Director ng MPD, ay nagpasimula ng masinsinang follow-up operation, intelligence-gathering at backtracking na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek na sangkot sa insidente ng pamamaril sa nasabing lugar.

Ang biktima ay nagtamo ng dalawang tama ng bala noong Agosto 15, 2025 bandang 1:30 ng hapon.

Ang insidente ay naganap sa harap ng bahay ng biktima sa kahabaan ng Gonzalo Street, Bgy 739, Malate, Manila.

Ang mga suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Malate Police Station Tracker Team.

Arestado sina alyas Hero at alyas Edwin matapos ang ilang araw na follow up operation.

Nitong Agosto 18, naaresto ang unang suspek sa Malate. Pagkatapos nito ay ikinanta nito ang kanyang kasama na natimbog sa Brgy Cupang, Antipolo City, Rizal.

Narekober sa mga suspek ang isang Pietro Beretta cal. 9mm Pistol, pitong piraso ng cal. 9mm na bala, magazine at itim na sling bag.

Narekober din sa mga suspek ang mga baril na positibong kinilala ng saksi bilang armas na ginamit sa paggawa ng krimen.

Ang motorsiklo na ginamit ay natuntun ng mga operatiba niton Agosto 20, sa ilog ng Lubiran Bridge sa Sta Mesa, Manila matapos itong ihulog ng mga suspek.

Ang mga ito ay isusumite sa MPD Forensic Unit para sa Gunpowder Residue (GPR) Testing at Firearm Identification.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malate Police Station at sasailalim sa medico-legal examination at paraffin examination sa MPD Forensic Unit.

Inihahanda na ang reklamo para sa paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (Frustrated Murder) at Republic Act 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) laban sa mga naarestong suspek at ihaharap para sa inquest proceedings sa City Prosecutor’s Office of Manila.

Pinuri ni PBGen. Arnold Abad ang pagsisikap ng Malate Police Station 9 sa kanilang kasipagan at pangako sa paglilingkod sa komunidad.

“Ang pag-arestong ito ay nagpapakita ng pagiging epektibo ng pagtutulungan sa pagdakip sa mga wanted na indibidwal na nakahanay sa 3 Core Pillars ng Chief PNP, partikular na ang “Swift and Responsive Public Service,” aniya.