Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
PQUE Photo source: FB/National Capital Region Police Office

5 high-profile drug suspects timbog sa Parañaque

273 Views

ISA na namang tagumpay laban sa iligal na droga ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos maaresto ang limang suspek sa isang buy-bust operation bandang 5:10 AM nitong August 19, sa loob ng isang condominium unit sa Pacific Coast Plaza, Brgy. Tambo, Parañaque City.

Ang operasyon, na isinagawa sa direktiba ni CPNP PGEN Nicolas D. Torre III at sa pamumuno ni PMGEN Anthony A. Aberin, ay nagpapakita ng matibay na determinasyon ng PNP na mabilis at epektibong protektahan ang mga komunidad mula sa banta ng mapanganib na droga.

Sa isinagawang operasyon, nakumpiska ang malaking bilang ng mga hinihinalang illegal drugs na kinabibilangan ng humigit-kumulang 200 gramo ng ketamine na tinatayang nagkakahalaga ng P1,100,000; 1,000 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P700,000; 500 gramo ng tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000; at 791 piraso ng ecstasy tablets na tinatayang nagkakahalaga ng P1,344,700. Narekober din ang P2,000 buy-bust money, isang timbangan, isang storage box, at isang cellular phone na pinaniniwalaang ginamit sa kalakalan ng droga. Sa kabuuan, umabot sa P3,107,804 ang street value ng mga nakumpiskang items.

Matapos ang operasyon, ipinaliwanag sa mga suspek ang kanilang constitutional rights at sila ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya. Sila ay kakaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa harap ng Parañaque City Prosecutor’s Office.

Binigyang-diin ni PMGEN Anthony A. Aberin, Regional Director ng NCRPO, ang determinasyon ng kapulisan na sugpuin ang paglaganap ng illegal drugs:

“Walang puwang sa NCR ang mga grupong nagpapalaganap ng iligal na droga na sumisira sa ating lipunan. Sa gabay ng ating CPNP, titiyakin ng NCRPO na ang bawat operasyon ay mabilis, sistematiko, at may agarang tugon upang putulin ang banta ng droga at mapanatili ang seguridad ng mamamayan.”

Ang matagumpay na operasyong ito ay muling nagpapatunay sa hindi matitinag na paninindigan ng NCRPO sa ilalim ng Swift and Responsive Police Service pillar ni CPNP PGEN Nicolas D. Torre III upang tiyakin na ang bawat komunidad ay ligtas mula sa panganib na dulot ng illegal drugs.

STORY FROM THIS LINK: https://www.facebook.com/share/p/19eYB9pTed/