Babaeng negosyante timbog sa bouncing checks
Nov 8, 2026
8 kulong sa Candon dahil sa illegal gambling
Nov 8, 2026
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Calendar
Metro
Lalaki pinagmumura kapitbahay, tinutukan pa ng boga, arestado
Edd Reyes
Aug 19, 2025
300
Views
INARESTO ng mga pulis ang isang lalaki dahil sa pagmumura at panunutok ng baril sa kapitbahay niyang delivery rider noong Lunes sa Valenzuela City.
Palabas ng bahay niya sa Disiplina Village, Brgy. Bignay ang 31-anyos na biktima nang salubungin ng galit na galit na kapitbahay dakong alas-9:50 ng gabi at pinagmumura habang iwinawasiwas ang hawak na baril.
Sasagot pa lang ang biktima nang tutukan ng baril ng suspek kaya nagtatakbo para humingi ng saklolo sa mga pulis.
Naaresto ang nagmura at nanutok ng cal .38 na baril kargado ng apat na bala.
Sasampahan siya ng kasong grave threat at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, ayon sa mga pulis.
‘Di nag-illegal parking patrol car–QCPD
Nov 8, 2026
Pagpapatupad ng UPDWIS suportado ng QC PDAO
Nov 7, 2026
Sunog sumiklab sa Tondo; 140 pamilya naabo bahay
Nov 7, 2026

