RIT Ang biktima ng pamamaril sa Baluarte, Santa Barbara St., Brgy. 659, Intramuros, Manila noong Linggo.JONJON C. REYES

RIT bumira sa Manila; tricycle driver tigok

Jon-jon Reyes Feb 2, 2026
165 Views

DEAD-on-the-spot ang 35-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem (RIT) suspek Baluarte, Santa Barbara St. Brgy. 659, Intramuros, Manila noong Linggo.

Kinilala ang biktima na si alyas Ahano habang idinescribe ang mga isa sa mga suspek na nakaitim na helmet, itim na long sleeve at maong pants.

Hinabol ng mga suspek ang minamanehong tricycle driver ng biktima dakong ala-12:30 ng hatinggabi bago pinagbabaril pero nakaabante pa ang biktima bago tuluyang humandusay sa kalsada.

Sa salaysay ng saksi na si alyas Annalyn, nakasuot pa ng Spiderman mask ang isa sa mga suspek.

Rumesponde sa insidente sina P/Lt. Col. Alfonso Saligunba III, commander ng MPD Ermita Police Station 5, at PLt. Christoper Nogoy.

Kasunod nito, dumating sa crime scene sina PCMS Jason Ibasco at PCPT Vimaylene Tacazon at narekober ang 6 na basyo ng bala.