Pic Arestado ng mga operatiba ng Lacson PCP-MPD Police Station 4 ang suspek na bumaril sa dating kagawad sa Sampaloc, Manila.

Triker huli sa pagbaril sa ex-kagawad na sinaway siya sapag-ihi sa kalye

Jon-jon Reyes Feb 2, 2026
238 Views

Pic1Pic2Pic3Pic4Pic5Pic6

NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD Sampaloc Huwebes ng hapon sa Sobriedad Street corner Cristobal Street, Sampaloc, Manila ang 39-anyos na tricycle driver matapos umanong barilin nito ng tatlong beses ang isang dating kagawad na sinuway siya sa pag-ihi sa kalye.

Dinampot ang suspek na si alyas Gilbert, 39, may ka live-in, at residente ng Mercedes St., Bgy 528, Sampaloc, matapos siyang kilalanin ng biktima na si alyas Romuel, 51, dating kagawad at private driver. residente ng Prodencio St, Bgy 442. Sampaloc.

Ayon sa report ng Lacson PCP-MPD Station 4 bandang 2:15 p.m. nang mangyari ang pamamaril.

Base sa inisyal na imbestigasyon, bago nangyari ang pamamaril nakita ng biktima ang suspek na umiihi sa tabi ng kalye at agad nitong sinaway at pinagsabihan.

Nauwi ito sa mainitang pagtatalo ngunit agad naawat ang dalawa.

Umuwi na ang biktima upang maghanda para sa pagpasok sa kanyang trabaho. Ngunit sinundan pala siya ng suspek.

Nang makakita ng pagkakataon ang suspek ay pinaputukan nito ang biktima na sa kabutihang palad ay nakaiwas at nakatakbo patungo sa kanyang tahanan.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek patungo sa hindi matukoy na direksyon bitbit ang ginamit na baril.

Nagtamo ang biktima ng maraming gasgas sa kanyang braso at magkabilang tuhod.

Agad na nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Lacson PCP-MPD Station 4 sa pangunguna ni PLt. Mervin Sumang na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong tangkang pagpatay.