Robin

Robin isinulong regionalization ng Bilibid

282 Views

PARA matugunan ang problema ng siksikan at para matiyak na mabisita ang mga bilanggo ng mga mahal nila sa buhay, isinulong ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla ang “regionalization” ng New Bilibid Prison at ibang penal farms sa bansa.

Sa Senate Bill 235, iminungkahi ni Padilla ang pagtayo ng penitentiary system sa 10 rehiyon – sa Regions I, II, III, V, VI, VIII, IX, X, XII at XIII.

“Ultimately, this bill seeks to create additional regional penal institutions not only to address the severe congestion in the country’s jails and prisons, but to also ensure the welfare of persons serving final judgment as they await their reintegration to society,” aniya.

“While (congestion) remains a pressing issue, this representation wants to focus more on the impact of far incarceration of persons serving final judgment from their families,” dagdag ng mambabatas.

Ayon kay Padilla, pito lang ang penitentiary institutions sa bansa sa kasalukuyan – ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City; Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City; Iwahig Penal Colony sa Puerto Princesa City, Palawan; San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City; Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro; Leyte Regional Prison; at Davao Prison and Penal Farm.

Dahil iilan lang ang penitentiary institutions sa bansa, nahihirapan ang pamilya ng mga bilanggo na bumisita dahil kailangan nilang gumastos para sa pagbiyahe.

“Recognizing therefore the paramount role of the family in providing emotional, moral and psychosocial support to every person serving final judgment, this measure is being proposed to widen the opportunities of families and other support groups to pay a visit to their loved ones inside the penitentiaries,” ani Padilla.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang lahat na itatayong penal farm ay may “standard and uniform design” para sa kulungan at pati reformation at administrative facilities.

Inaatasan ang Bureau of Corrections na lumikha ng infrastructure plan, i-coordinate ang pagtayo ng mga regional penitentiaries, at ipatupad ang decentralization at transfer ng mga bilanggo sa mga regional penal farms.