Calendar
Robotic Games sa Taiwan dinomina ng mga Pinoy
ROSARIO, CAVITE–Naiuwi ng koponan ng Pilipinas ang sunod-sunod na parangal sa ginanap na World Robotics Games (WRG) Taiwan noong Nobyembre 26–29.
Nanalo sina Kelvin Caisser Javier sa ibeam SR, John Mcklein Valdez sa ibeam SR at Andrei Jiggerson Samaniego sa ibeam SR para sa Gold Award.
Bryzen Villanueva sa ibeam SR, Kylle Mathew Gaudiel sa ibeam SR, Claude Ron Abriol sa ibeam SR para sa Silver Award.
Kelvin Caisser Javier sa PLT SR, Kiesha Veras sa ibeam JR para sa Bronze Award.
Solenn Quejado sa ibeam SR, Kylle Mathew Gaudiel sa beam battle, Fiona Nathalie Rosga sa beam battle para sa Copper Award at Sean Adrianne Santos para sa Merit Award.
Hindi lamang mga simbolo ng tagumpay ang mga medalya at parangal ito’y patunay na ang estudyanteng Pilipino ay may lugar sa global stage at may kakayahang makipagsabayan sa pinakamahusay ng mundo.
Malaki ang papel ng mga sponsors na walang sawang sumusuporta sa adhikain ng kabataang innovator.
Katulong ng mga nanalo sina Cyra, Jhing, Amy, Kuya Justin at Rolan na nagsilbing compass na gumabay sa bawat hakbang ng koponan—mula sa ideation hanggang sa huling laban.
Ang kanilang pasensya, disiplina, at kaalaman sa teknolohiya ang naglatag ng matibay na pundasyon ng tagumpay.
Hindi lang panalo kundi inspirasyon para sa kabataang Pilipino ang achievements nila
Ang tagumpay ng Salty Bots ay hindi lamang para sa kanilang koponan, hindi lang para sa kanilang paaralan—ito ay tagumpay ng bawat batang Pilipinong nangangarap makipaglaban sa buong mundo.

