Leni

Robredo hinamong maglabas ng supporters sa mga motorcade; numero sa rally dinaraya raw

Nelo Javier Mar 14, 2022
261 Views

BINABATIKOS ngayon ang kampo ni Leni Robredo dahil umano sa ginagawa nilang pandaraya sa numerong ipinalalabas na umano’y libong bilang na sumasama sa kanilang campaign rally sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kaya naman dinagsa sa social media ng panawagan ang kampo ni Leni na kung talagang hindi peke, photoshopped o niretoke ang campaign rally nito — tulad ng ipinalalabas sa social media at ilang biased na mainstream media – magpakita ang mga ito ng mga larawan o video na dinudumog si Robredo sa kahit anong caravan o motorcade ng pinklawan.

“Mandaraya na sa boto noong 2016, mandaraya pa sa litrato!,” anang netizen na may account name’ na ‘WagAko’Te.

“Kung talagang organic ang rally nila sa Bulacan at Isabela, magpakita sila ng proof na pinagkakaguluhan si Lugaw sa motorcade! Kasi ang audience nila puro hakot at bayaran! Kaya lahat sila nasa rally na!,” sabi naman ng netizen na si Lito Gallardo.

Nitong Linggo ng gabi, pinagkaguluhan sa social media ang naglabasang litrato ng motorcade ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos na ginanap sa Muntinlupa City at Las Pinas City.

Tumagal ng anim na oras ang 12-kilometerong caravan ng BBM-Sara UniTeam na dapat sana’y makukuha lamang ng 12 minuto sa 60 kph na takbo ng sasakyan.

“Kaya ganyan katagal kasi sobra talagang dami ng tao at naglalabasan sa kalsada at gumigitna pa ang tao makita lang si BBM. Tanghali pa lang nag-aantay na kami kahit inabot ng gabi, okay lang makita lang namin si BBM,” sabi naman ni DK Liwanag sa kanyang post.

“S’yang tunay makikita na mahal sya ng taong bayan. Caravan pa lang naglalabasan at pinagkakaguluhan na ng maraming tao.

“Hindi ‘yung isa diyan kahit langaw walang lumalabas sa caravan kaya walang maipakita kaya nanghahakot na lang para makabawi sa grand rally. Hahaha. Pinkymoves ang tawag diyan mauto lang ang mga Pinoy masabing malakas kuno. Gawain ng mga DILAWAN na ngayon ay PINKLAWAN #TruthHurts,” post naman ni Jonas Apurillo Aruta.

Samantala, maraming netizens na rin ang tahasang binubuko ngayon kung paano dinaraya ng Leni camp ang ipinalalabas nilang larawan sa kanilang campaign rally.

Isang netizen na may pangalang Bambit Gaerlan ang bumatikos sa ipinalabas na picture ng Inquirer.Net kung saan ay sinabi nito kung paano ina-adjust ang ‘brightness,’ ‘contrast’ at ‘tone’ ng subject ng isang photo sa pamamagitan ng photoshop.

“Naghahanap ako ng photos sa Google images using the search phase ‘robredo rally bacolod’ and three photos ang pinili ko for this demo, it involves the photoshop levels feature na kung saan puwedeng ma-adjust ang brightness contrast, and tone ng isang photo. Eto ang na-discover ko,” ani Gaerlan.

Natuklasan niya rin na kahit sa gawing may tubig at fountain ay may tao pa rin na inilagay ang nag photoshop ng larawan ng rally.

Sinabi naman ni Carmelito David, halata ang pagmamaniobra sa mga photos ng dilawan gumagamit pa sila ng balloon o banderitas. “At ‘wag ka, kumpleto ang uniform nila na kulay pink. Halatang libre pa-T-shirt, lobo at banderitas na may tig-P500 pa bawat isa,” ani David.

Sa isinagawang fact check ng Maharlika TV, nabatid na imposible ang 70,000 katao na sinasabing napuno sa Paglaum Sports Complex sa Bacolod, Negros Occidental.

Ang kasya lamang umano rito ay 16,000 katao at kahit doblehin pa ang bilang na ito, malayo ang 70,000 na sinasabi ng Robredo camp.

Ayon sa Maharlika TV, pinakamalaki na sa buong mundo ang Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan, ngunit ito ay may capacity lamang na 55,000 katao.

“Paglaum also surpassed the 36,500 people capcity Saitama Super Arena in Japan and the 27,000 people capacity Baku Crystal Hall in Azerbaijan in an instant,” sabi ng Maharlika TV.

“Kaya kung talagang dinudumog ang rally ni Leni, paramihan na lang muna ng tao sa motorcade para magkaalaman na,” sabi naman ni Dara Chua sa kanyang FB account.