Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Speaker Romualdez Tinutulungan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nina Sultan Kudarat Governor Pax Ali Mangudadatu at 1st District Rep. Princess Rihan Sakaluran na mamigay ng ayuda sa ilalim ng Cash Assistance and Rice Distribution Program (CARD) sa 28,000 beneficiaries sa Sultan Kudarat. Kuha ni VER S. NOVENO

S. Kudarat gov kay Speaker Romualdez: Salamat Mr. Rice

Mar Rodriguez Feb 25, 2024
157 Views

Speaker Romualdez Speaker Romualdez28K may libreng bigas sa pinakamalaking BPSF na ginanap sa S. Kudarat 
MAHIGIT 28,000 residente ng Sultan Kudarat ang nabigyan ng kabuuang 500,000 kilo ng bigas bukod pa sa cash assistance at food packs sa ilalim ng Cash and Rice Distribution Program (CARD), isang programa ng Marcos administration.

Ang paglulungsad ng CARD program at Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay magkasabay na isinagawa sa Sultan Kudarat noong Linggo.

Ang CARD ay isang joint project ng Kamara de Representantes na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay binuo bilang tugon sa hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara na magbigay ng rice assistance sa mga mahihirap na Pilipino.

“Sa pamamagitan nito at iba pang programang pinatutupad ng pamahalaan, ipinaaabot ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang kanyang malasakit sa mga kapwa niya Pilipino dito sa Mindanao – na kahit malayo man kayo, ay malapit pa din po kayo sa kanyang puso at isipan,” ani Speaker Romualdez sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng programa sa Sultan Kudarat State University sa Tacurong City.

“Sa ilalim ng Bagong Pilipinas movement, wala pong maiiwan, lahat kasama sa pag-unlad,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Nagpasalamat si Sultan Kudarat Governor Pax Mangudadatu kay Speaker Romualdez sa serbisyo caravan at sa rice distribution programs sa kanyang probinsya. Sinabi ng gubernador na suportado ng Sultan Kudarat ang Bagong Pilipinas at ang pagnanais ni Pangulong Marcos na maging mapayapa at maunlad ang buong Pilipinas.

“Ito na po ang pinakamalaking distribution ng bigas sa kasaysayan ng aming probinsya, kaya kung mamarapatin po ninyo maliban sa Mr. Speaker, nais ko kayong tawaging Mr. Rice,” sabi ni Mangudadatu.

Nasa 18,000 indibidwal sa probinsya ang nakatanggap ng bigas at cash aid mula sa CARD. Ang bawat benepisyaryo na tinukoy ng DSWD ay bibigyan ng P1,000 cash at 25-kilong bigas na nagkakahalaga ng P1,000 o kabuuang P2,000.

“We are grateful to the DSWD for cooperating in this program that benefits thousands of Filipinos, especially those who come from vulnerable sectors,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Ang bigas ay buhay, at alam ito ng pamahalaan ni Pangulong Marcos Jr. Kaya naman tayo po ay nakaisip ng isang programang magbibigay ng bigas sa ating mga kababayan alinsunod sa kanyang naging hamon. At para sigurado na walang maiiwan, gagawin natin ito per district ng Kongreso,” dagdag pa ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.

Bilang bahagi ng BPSF, nasa 10,000 kuwalipikadong indibidwal naman ang binigyan ng tig-10 kilong bigas o kabuuang 100,000 kilo at tig-P700 halaga food pack.

“This is the value we place on rice distribution to the sectors who need them. Kasama na dito ang ating mga senior citizens, PWDs, solo parents at indigenous peoples (IPs), para maramdaman nila na nandito ang kanilang pamahalaan na handang tumulong sa lahat ng oras,” ani Romualdez, isa sa pangunahing nagsulong ng CARD program.

“Makakaasa ang ating mga kababayan na patuloy pa tayong maghahanap ng programa at paraan para isabuhay ang adhikain ni Pangulong Marcos Jr. na maglunsad ng mga epektibong proyekto para matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan,” dagdag pa nito.

Ang CARD program ay sinimulan noong nakaraang taon na naglalayong ibaba sa mga congressional district ang tulong ng gobyerno.

Sinimulan ito sa Metro Manila na mayroong 33 legislative districts, gayundin sa Biñan City at Sta. Rosa sa probinsya ng Laguna.

Ayon kay Speaker Romualdez ang inisyatiba ay bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Bukod sa pagtulong sa mga apektado dulot ng mataas na presyo ng bigas, layunin din ng programa na maharang ang hoarding at manipulasyon ng presyo ng bigas.

Samantala, pinangunahan ni Speaker Romualdez, kasama sina Gov. Mangudadatu, Rep. Princes Rihan Sakaluran at iba pang mambabatas ang pagbubukas ng Romualdez building ng Sultan Kudarat State University kung saan ilalagay ang medical school ng unibersidad.