Calendar
Source: SPD
Sasakyan lumagapak sa kalsada mula 6th floor ng parking lot, driver dedb*l

DEDO ang driver ng isang kotse nang mahulog ang minamanehong sasakyan sa parking lot ng isang hotel Huwebes ng umaga sa Makati City.
Halos madurog ang sasakyan nang lumagapak sa kalsada sa Jimenez St. Brgy. San Lorenzo ng patiwarik kaya’t naipit sa loob ang driver na tinatayang nasa 55-taong gulang.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overshoot umano sa paikot na drive way ng parking area pagdating sa ika-anim na palapag sa multi-level parking ng naturang hotel ang kotse na dahilan upang mahulog at tuluyang bumagsak sa lapag.
Ayon sa isang kagawad ng barangay na si John Fernandez, mabuti na lang at walang nagdaraang sasakyan o naglalakad sa kalsada nang mangyari ang aksidente.
Patuloy pang nagsasagawa ng pagsisiyasat ang mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor sa nangyaring insidente.
