Zubiri

Senado handa na sa F2F na session

209 Views

MALUGOD na tinanggap ng nakararaming senador ang idinulog na mungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kung saan ay hinihimok nito ang lahat upang ipakita ang kanila pagdalo sa Senado mismo.

Ayon kay Zubiri, napapanahon na upang rekonsidera ng Senado na gawin ang face-to-face na pagdinig sa mga sesyon gayundin sa committee hearing bilang pagtugon sa mga eskwelahan na sisimulan din ang kanilang eskwela sa Hunyo sa face-to-face na sistema.

Ani Zubiri, mismong ang mga anak niya ay papasok sa eskwela gayundin ng maraming kumpanya na binibigyan kautusan na ang kanilang mga empleyado na regular ng pumasok sa trabaho.

“Maybe it is time that we also do face-to-face session,” giit ni Zubiri.

Sinang-ayunan naman ni Senate President Vicente Sotto III ang mungkahi ni Zubiri kung saan ay sinabi nitong napapanahon na umanong ipakita sa taong bayan na hindi nasasayang ang buwis na binabayad nila sa pagpapakita ng trabaho ng mga senador.

Matatandaan na dahil sa kainitian ng COVID-19 ay nagpasa ang mga mambabatas ng Senado ng Resoltuion no. 43 kung saan ay inamyendahan ng Senado ang pagpayag sa tinatawag na Hybrid Plenary Session pati na sa kanilang mga commitee hearings.

Wala naman tumanggi sa sinuman senador bagkus ay sinuportahan ito ng nakararami para muling buksan ang Senado sa lahat.