Ex-jowa pinatay ni kagawad; pumatay kalaboso
Apr 24, 2026
Calendar
Larawan: Rochelle Pangilinan/IG
Showbiz
Sexbomb reunion concert sa Dec. 4 swak na
Peoples Taliba Editor
Sep 14, 2025
1067
Views
ANG OG P-pop girl group na Sexbomb ay magbabalik sa entablado para sa kanilang much-awaited reunion concert sa darating na Disyembre 4, 2025 sa Araneta Coliseum.
Sa social media, ibinahagi ng kanilang leader na si Rochelle Pangilinan ang teaser na may caption: “Para sa mga pinalaki ng Sexbomb!” Kasunod nito ang mapang-akit na tanong: “Ready na ba kayo?”
Ang Sexbomb ay nagsimula bilang backup dancers sa noontime show na Eat Bulaga! noong early 2000s, bago tuluyang sumikat bilang all-female singing-dancing group. Nakilala sila sa kanilang signature dance hits gaya ng Spaghetti Song at Bakit Papa, na naging bahagi ng kulturang pop ng buong henerasyon.
Ngayong reunion concert, nostalgia trip ito para sa mga tunay na ‘pinalaki ng Sexbomb.’
Anne Curtis nagsalita na sa Suntay issue
Mar 7, 2026
Sandara: I have never used drugs
Mar 5, 2026
Pamilya ni Odette Khan umaapela ng ayuda
Mar 1, 2026

