Bahay

‘SIGNS OF LIFE’ SA GUMUHONG CEBU CITY LANDFILL

Alfred Dalizon Jan 15, 2026
160 Views

MAY ‘signs of life’ mula sa ilalim ng gumuhong Binaliw landfill sa Cebu City ang nag-udyok sa Philippine National Police (PNP) na mas lalong paigtingin ang kanilang ‘search-and-rescue’ operations sa lugar, ayon kay Acting PNP Chief, Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr.

Sa kasalukuyan, 19 katao na ang namatay dahil sa pagguho ng landfill noong isang linggo.

Ngunit ayon sa Hepe ng Pambansang Pulisya, patuloy na nagsasagawa ng malawakang operasyon ang mga rescuers ng Police Regional Office 7 sa pamumuno ni Brigadier Gen. Redrico A. Maranan para mahanap ang mga posibleng survivor matapos makitaan ng mga senyales ng buhay o signs of life sa ground zero.

“Our goal is to account for all the missing victims in this tragedy. The reports of signs of life only encourage our teams to do more in providing assistance to expedite the search and rescue efforts,” sinabi ng opisyal.

Iniulat ni Cebu City Mayor Nestor Archival na may mga senyales ng buhay na natukoy ng Apex Mining sa ilalim ng gumuhong landfill. Ayon sa pinakahuling tala, 19 ang nasawi at 17 pa ang nawawala matapos ang landslide noong Enero 8.

Samantala, 18 iba pa ang nailigtas ng mga awtoridad habang unti-unti nang inaalis ang mga debris.

“All PNP personnel are equipped with proper protective gear and our disaster response units are closely monitoring the stability of the landfill. We are coordinating closely with Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office and other agencies to ensure a unified response,” sinabi ni Lt. Gen. Nartatez.

Dagdag pa niya, susuportahan ng pulisya ang mga imbestigasyon kaugnay ng insidente, kabilang ang pagtukoy sa posibleng kapabayaan ng kumpanyang namamahala sa landfill, gayundin ang pagsunod nito sa mga batas sa kaligtasan at pangkapaligiran.

Nakiramay din siya sa mga naulila ng mga nasawi.

“Our hearts go out to the families of the victims. The PNP is committed to providing all possible support sa mga naapektuhan ng insidente,” aniya kasabay ng utos sa lokal na pulisya na magbigay ng tulong medikal, psychological, at logistical sa mga apektadong pamilya.