Meralco

Singil ng Meralco tataas ngayong Mayo

118 Views

MAGPAPATUPAD ng pagtataas sa singil ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Mayo.

Ayon sa Meralco mula P11.3168 kada kiloWatt hour (kWh) noong Abril ang singil nito ay tataas sa P11.4929 kada kWh o pagtaas na P0.1761 kada kWh.

Ang pagtaas ay bunsod umano ng mataas na generation charge na napupunta sa mga planta ng kuryente.

Ang generation charge ay umakyat umano sa P7.6697 kada kWh mula sa P7.3295 kada kWh noong nakaraang buwan.

Ang isang pamilya na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan ay magbabayad umano ng dagdag na P35.