Tingog

Tingog, LGU, DSWD sanib-puwersa sa pagtulong sa mga taga-Pasig

120 Views

Tingog1NAGSANIB-PWERSA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga opisyal ng lokal na pamahalaan, at Tingog party-list na pinamumunuan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre upang matulungan ang mga residente ng Pasig City.

Binigyan ng tig-P3,000 tulong pinansyal ang may 400 pamilya sa offsite payout program na ginanap sa Youth Development Center, Rave Park, Pasig City, noong Huwebes.

Bukod sa mga benepisyaryo, nagpasalamat din sa Tingog party-list at kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pasig City Councilor Paul Roman Santiago sa pagtulong sa kanyang mga constituent.

“Nagpapasalamat po ako sa Tingog Party-list dahil sa walang sawang pagbibigay ng tulong … tumutulong lang po kami (local officials) para mapaabot yung tulong mula sa kanila,” sabi ng konsehal.

Pinasalamatan din ni Councilor Marion Rosalio Martires ang Tingog at si Speaker Romualdez sa kanilang pagtugon sa pangangailangan ng mga mahihirap na residente ng Pasig.

“Salamat sa Tingog Party-list, mula sa lungsod ng Pasig dahil sa dinami-dami ng lugar sa Pilipinas, palagi silang nasa Pasig,” sabi ng konsehal.

Adbokasiya ng Tingog party-list na tulungan ang mga nangangailangan sa iba’t ibang komunidad para mabilis na makabangon ang mga ito.