Lumabas uli pagka-pintasera laitera ni ante
Nov 1, 2026
HANDA SA UNDAS
Nov 1, 2026
Calendar
Metro
Snatcher nasakote ng maagap na pulis
Peoples Taliba Editor
Sep 26, 2022
591
Views
ARESTADO ang 25-anyos na lalaki na nanghablot umano ng bag sa Quezon City.
Kinilala ang suspek na si Jojo Belarmino, residente ng Barangay 11, Sta. Cruz, Manila. Pinaghahanap naman ang kanyang kasama na nakatakas.
Rumesponde umano ang mga pulis sa isang insidente ng robbery snatching alas-9:30 ng gabi noong Sabado, Setyembre 24, sa Sgt. Rivera malapit sa kanto ng Banawe sa Barangay Manresa, Quezon City.
Naaresto umano ang suspek sa kanto ng Sto. Domingo at M. Viola sa Barangay Balingasa, Quezon City pero nakatakas ang kasama nito.
Narekober umano sa suspek ang isang sling bag, cellphone, at kalibre .38 revolver na mayroong anim na bala, isang granada at motorsiklo na may plakang 683 PAI.
ANICETE: KULUNGAN MALUWAG PA PARA SA MGA KAWATAN
Nov 1, 2026
Brgy lider sumama sa cleanup drive sa Malate
Nov 1, 2026
KELOT NANAKIT NG ASO SA TAGUIG, NAKAPIIT
Nov 1, 2026
Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
