Holdaper ng bombay kalaboso

36 Views

ARESTADO ang apat na lalaki nangholdap umano sa dalawang Indian national na nangongolekta ng pautang sa Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, nangongolekta umano ng pautang sina Beant Singh Sran, at Gurpyar Singh sa San Miguel street, Barangay Payatas, ng holdapin umano sila ng mga suspek na armado ng mga baril alas-12:30 ng tanghali noong Setyembre 23.

Tinangay umano ng mga suspek ang P18,000 nasingil ng mga biktima.

Humingi ng tulong ang mga biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek sa San Pedro street, Barangay Payatas, Quezon City.

Lumutang din sa himpilan ng pulisya si Julius Caesar Garcia at itinuro ang mga suspek na sila rin umanong nagnakaw sa kanyang meat shop noong Setyembre 22.

Itinuro rin ng mga Indian national na sina Harwinder Singh at Bhupinder Singh Dhalinal na siyang humoldap sa kanila sa Bicol street, Barangay Payatas, noong Setyembre 22, 2022.

Narekober sa mga suspek ang sumpak at mga replica ng baril, dalawang wallet, apat na cellphone, mga helmet at ID ni Bhupinder Singh Dhaliwal.