Hataman

Solon nais gawing tourist spot ang Basilan

Mar Rodriguez Jul 6, 2022
199 Views

DETERMINADO ang isang Mindanao solon na paunlarin ang Basilan at makabangon mula sa dating masamang imahe ng lalawigan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng turismo, edukasyon at pagtatatag ng isang makabago at modernong ospital.

Nauna nang sinabi ni Basilan Mujiv Hataman na utay-utay ng nakabangon ang kaniyang lalawigan mula sa dating masamang imahe nito bunsod ng pamamayagpag ng terorismo kasunod ng sunod-sunod na pagdukot sa ilang dayuhang turista.

Ipinahayag din ni Hataman na hindi malayong maging susunod na “tourist destination” ang Basilan kahalintulad sa “Boracay Island” dahil sa mga kaakit-akit at nagagandahang beaches sa lalawigan kabilang dito ang ipinagmamalaking “Malamawi Beach”.

Dahil dito, sinabi ng kongresista na nais niyang tutukan ang apat na aspetoupang tuluyan ng makahulagpos ang Basilan mula sa dating masamang imahe nito. Kabilang sa kaniyang mga tututukan ay ang kalusugan, edukasyon at kabuhayan o livelihood.

Ipinaliwanag ng kongresista nagsisimula ng makabangon ang ekonomiya at turismo ng Basilan na lubhang naapktuhan dahil sa sunod-sunod nakaguluhan at digmaan na naganap sa nasabing lalawigan kung kaya’t nalugmok ang Basilan.

“Nakakabangon na mula sa masamang imahe an gaming lalawigan. Nagsisimula narin mabuhay an gang aming ekonomiya at turismo, kailangan lamang natin sabayan ang pag-unlad ng mga mamamayan sapamamagitan ng ating suporta,” sabi ni Hataman.

Dati nang ipinahayag ng mambabatas na ligtas ng puntahan ang Basilan malayo sa dati nitong kalagayan kung saan, namamayagpag ang Abu Sayaff Group (ASG)