ford

P1.4M marijuana nabuking sa aksidente

Alfred Dalizon Jul 5, 2022
117 Views

NADISKUBRE ng pulisya ang tinatayang P1.4 milyong halaga ng marijuana na itinapon umano dalawang lalaki matapos na maaksidente ang kanilang sinasakyan sa Benguet.

Iniimbestigahan ng pulisya sina Jimmsie Salazar at Justine Baisa na nagtamo umano ng mga sugat mula sa aksidente.

Sa paunang ulat ng pulisya, sakay ang mga biktima ng Ford tanger pick-up truck pababa ng Baguio City.

Pagdating umano sa kurbadong bahagi ng Kennon Road na sakop ng Tuba, alas-4:40 ng umaga noong Hulyo 3 ay naaksidente umano ang sasakyan at tumaob.

Ayon sa mga residente sa lugar nakita nila ang dalawang biktima na mayroong inilalabas na kahon mula sa sasakyan at itinapon nila ito papunta sa ilog.

Nang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya ay nahanap ang kahon na mayroon umanong nakabilot-bilot na marijuana na nagkakahalaga ng P1.44 milyon.