Phivolcs

Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.3 lindol

148 Views

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4.3 ang Occidental Mindoro Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pagyanig na ito ay itinuturing na aftershock ng magnitude 6.4 lindol sa Lubang, Occidental Mindoro noong Marso 14.

Ang huling pagyanig ay naramdaman alas-9:42 ng gabi. Ang epicenter nito ay 62 kilometro sa kanluran ng Lubang at may lalim na 25 kilometro.