MMDA

Solon sa MMDA, LTO: Mga senglot na drivers bantayan

Mar Rodriguez Dec 16, 2025
200 Views

HINIHILING ni Caloocan City Rep. Dean Asistio sa Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bantayan ang mga pasaway na drayber na nagmamaneho ng lasing dahil nalalagay sa peligro ang buhay ng mga commuters.

Sinabi ni Asistio na hindi maikakailang may mga drayber ang nagmamaneho ng naka-inom lalo na ang mga galing sa Christmas party kaya dapat magkaroon ng mahigpit na pagbabantay ang LTO at ang MMDA.

Ipinaliwanag ng kongresista na ang inisyatibong ito ay para maiwasan ang mga aksidente sa lansangan na kadalasa’y resulta ng drunk driving.

Ayon kay Asistio, kitang-kita sa isang viral video ang babaeng driver na nagmamaneho habang umiinom ng alak.

Pinuri ng kongresista ang LTO sa inilabas nitong show cause order laban sa babaeng driver matapos ipag-utos ni LTO Chief Markus Lacanilao ang 90-day preventive suspension ng lady driver.