Calendar
Speaker Romualdez: Gunitain kadakilaan ng ating mga bayani
BILANG pagdiriwang ng “National Heroes’ Day”, nanawagan si House Speaker Martin Gomez Romualdez sa mga Pilipino na muli nilang balikan at gunitain ang kadakilaan, kagitingan at sakripisyo ng ating mga bayani bilang mabuting halimbawa.
Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na nuong unang panahon, sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Melchora Aquino at iba pang mga bayani ay pawang mga ordinaryong mamamayan lamang. Subalit silang lahat aniya ay natinag ng labis na pagmamahal para sa bansa.
Sinabi din ni Romualdez na isa lamang ang pinangarap ng mga bayani ng bansa. Ito aniya ay ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mapanupil na mananakop para sa kapakanan at kinabukasan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
“Before Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gregorio del Pilar, Melchora Aquino and the others became héroes, they were ordinary Filipinos who were deeply moved by their love of the motherland. They were bound by single dream: freedom for their country and a future for all Filipinos,” paliwanag ng House Speaker.
Binigyang diin pa ni Speaker Romualdez na hindi lamang dapat matapos sa paggunita at pagkilala natin sa kagitingan ng ating mga bayani. Bagkos ay dapat tularan ng bawat Pilipino ang kanilang kabayanihan, kabutihang loob at pagmamahal para sa bayan.
Hinihikayat din ng House Speaker ang mamamayan na ipamalas din nila ang kahalintulad na kabayanihan at “idealism” ng ating mga “national heroes” para sa “nation-building” at patuloy na pakikipaglaban ng bansa hinggil sa pananalanta ng COVID-19 pandemic.