Speaker Romualdez Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Speaker Romualdez: Kamara nakikidalamhati sa Myanmar

Mar Rodriguez Mar 30, 2025
38 Views

INIHAYAG ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pakikidalamhati at pakikiisa ng Kamara de Representantes sa mga residente ng Myanmar at Thailand na tinamaan ng magnitude 7.7 lindol na kumitil ng maraming buhay at nagdulot ng malawakang pinsala.

Nagpaabot ng pakikiramay si Romualdez sa dalawang bansa kasabay ng pagbibigay-diin sa importansya ng pangrehiyong kooperasyon sa panahon ng mga malakihang kalamidad.

“We are deeply saddened by the tragic events unfolding in Myanmar and Thailand. On behalf of the House of Representatives, we extend our heartfelt condolences to the families who lost their loved ones and those who continue to suffer in the aftermath,” ani Speaker Romualdez. “We feel the weight of your sorrow, and across the seas, your suffering echoes in the hearts of every Filipino.”

“In this moment of great hardship, we extend not only our deepest sympathies, but also our steadfast support. The Philippines, as a brother in the ASEAN family, stands ready to help in any way we can. We are bound not just by geography, but by a shared spirit of resilience and humanity. And in that spirit, we will stand beside you—as neighbors, as friends, as one community. May strength and hope find their way into your hearts. And may we all continue to lift Myanmar and Thailand in our prayers,” sabi ni Speaker Romualdez.

Tumama ang malakas na lindol sa rehiyon ng Mandalay sa Myanmar noong Marso 28, kung saan 1,600 katao ang napaulat na nasawi, ikinasugat ng marami at nagdulot ng malawakang pagkasira sa mga imprastraktura.

Ang kalapit naman nitong Thailand, partikular ang Bangkok, ay naapektuhan din ng lindol kung saan 10 ang naitalang nasawi at nagdulot ng pagkasira ng mga istruktura.

Tiniyak ni Speaker Romualdez sa dalawang bansa at mga Pilipinong naninirahan doon na nakahanda ang administrasyong Marcos at Kamara de Representantes sa pagbibigay ng agarang tulong bilang pangako ng Pilipinas na umasiste sa mga kalapit bansa sa panahon ng pangangailangan.

Hinikayat din niya ang mga mambabatas na aktibong bumuo ng panukala para mapalakas ang kahandaan at mapatatag ang disaster resilience sa lahat ng rehiyon, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan sa panahon ng kalamidad.

“Our shared vulnerabilities require collective action. The recent calamity reaffirms the urgent need for stronger regional collaboration to better manage disasters and minimize loss of life,” dagdag niya.

Kinilala din ni Speaker Romualdez ang pagsisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH), na mabilis na kumilos para tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Myanmar at Thailand habang inihahanda rin ang tulong sa mga apektadong komunidad.

“Our embassies remain vigilant, ready to provide assistance to our countrymen abroad,” paliwanag ni Speaker Romualdez.

Umapela din ang Speaker sa international community na magpaabot ng karampatang tulong sa Myanmar at Thailand, lalo na aniya na malaki ang pinsalang tinamo nito at nangangailangan ng kolektibong tugon ng buong mundo.

“I call upon international organizations and partners to urgently mobilize resources for Myanmar and Thailand. It is crucial that aid reaches affected communities swiftly and effectively, helping them rebuild during this time,” diin ni Speaker Romualdez.