Martin

Speaker Romualdez pinuri ni Rep. Suarez sa pagsulong ng MIF

187 Views

Suarez

Pinuri ni Quezon Rep. David “Jay-jay” Suarez si Speaker Martin G. Romualdez sa pagsusulong nito na maipasa ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) na inaasahang magpapabilis sa pag-unlad ng bansa.

Ayon kay Suarez malaki ang maitutulong ng MIF upang mapabilis ang takbo ng tren ng pag-unlad na itinutulak ng administrasyong Marcos.

Sinabi ni Suarez na sumalang sa mahabang pagtalakay ang panukala at naglagay dito ng maraming safeguard upang matiyak na mababantayan ang pondo ng bayan at hindi ito mapupunta sa katiwalian.

“The approval of the bill went through congressional surgery. We made sure that not only is it compliant to local laws but congruent to international standards as well,” sabi ni Suarez.

Dahil sa mga pagbabago sa panukala, sinabi ni Suarez maging ang mga kongresista na noong una ay tutol dito ay bumoto nang pabor sa MIF.

“That is proof that the measure was well-thought of and sufficiently deliberated upon,” ani Suarez.

Nanawagan naman si Suarez sa publiko na huwag magpadala sa mga nagsasabi na hindi maganda para sa bansa ang MIF dahil malinaw umano na malaki ang magiging benepisyo rito ng mga Pilipino.

“Our people need more information about the MIF so that they can see that the benefits outweigh the unwarranted fear. This is why I am appealing to all Filipinos to support measure. There are 79 sovereign investment funds from other countries, of which 78 were successful. It is an issue of management and with so many brilliant minds in the Philippines, the Maharlika fund will be successful,” dagdag pa ng kinatawan ng Quezon.

Inaprubahan ng Kamara ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa bago ang Christmas break nito.