Martin2

Speaker Romualdez, PNP chief pinag-usapan pangangailangan ng kapulisan

Edd Reyes Jul 14, 2023
198 Views

NAKIPAGPULONG si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kina Philippine National Police (PNP) Chief Benjamin Acorda Jr. at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director General Ricardo de Leon upang pag-usapan ang pangangailangan ng kapulisan.

Ayon kay Speaker Romualdez napag-usapan sa pagpupulong ang mga hakbang na kailangang gawin ng Kongreso para matulungan ang PNP sa pagganap sa mandato nito.

Sinabi ni Speaker Romualdez na kasama sa mga napag-usapan ang Military and Uniformed Personnel (MUP) pension fund na kasalukuyang tinatalakay sa Kongreso.

“Ang nasabing panukalang batas ay mapapakinabangan ng nasa 227,000 aktibong pulis pati na rin ng mga nagretiro na sa serbisyo,” sabi ng kinatawan ng Leyte.

Siniguro rin ni Speaker Romualdez kay Acorda na nakahanda ang Kongreso na alalayan ang PNP sa pamamagitan ng pagpasa ng mga panukalang batas na makapagpapataas ngintegridad, kabuhayan at kakayahan ng kapulisan.