Dy

Special eco-zones tutulungan ni Dy na makabangon mula sa pandemya

Mar Rodriguez Sep 8, 2022
1213 Views

TINIYAK ng isang Northern Luzon solon na sisikapin nilang muling makabangon ang “special economic zones” tulad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), Clark Airbase at ibang kahalintulad nito na nalugi mula ng pumutok ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Bilang bagong halal na Chairman ng House Committee on Bases Conversion sa Kamara de Representantes, tiniyak ni Isabela 6th Dist Cong. Faustino “Inno” Dy V na sisikapin aniya ng kaniyang Komite na lalo pang pagtibayin ang “bases conversion and development”.

Sinabi ni Dy na ito’y sa gitna ng naging malaking epekto ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya ng bansa partikular na sa pagbisita o pagpasok ng mga turista sa Pilipinas na kadalasan ay nagtutungo sa mga “special economic zones” tulad ng SBMA at Clark sa Pampanga.

Ipinaliwanag ng kongresista na dapat tulungan ang mga “special economic zones” na makabangon o maka-recover sapagkat ito ang pinagkukuhanan ng “revenues” ng pamahalaan para makabangon din ang bansa larangan ng ekonomiya o “economic recovery”.

“We will continue to build efforts to strengthen bases conversion and development with the view towards using revenues from these to spur economic recovery,” sabi ni Dy.

Naniniwala din si Dy sa kahalagahan ng “special economic zones” dahil mahihikayat nito ang mga ‘foreign investors” na maglagak ng negosyo sa SMBA at Clark Airbase na makakapagbigay din ng trabaho sa mga Pilipino kasabay ng pag-unlad ng Zambales at Pampanga.

Idinagdag pa ni Dy na magkakaroon sila ng dialogo sa mga tauhan ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) at iba pang kaalyado nito kaugnay sa kanilang isusulong na plano.