Pic

Special Resident Retiree’s Visa briefing dinaluhan ng mga Pinoys, banyaga

66 Views

Pic1Pic2

SAN FRANCISCO–Dumalo ang mga Filipino at banyagang nagnanais na manirahan sa Pilipinas sa briefing-orientation sa Special Resident Retiree’s Visa (SRRV) noong Mayo 31 sa Kalayaan Hall ng Philippine Center dito.

Itinaguyod ng Konsulado Heneral ng Pilipinas sa San Francisco, Philippine Retirement Authority (PRA) at Department of Tourism (DOT)-San Francisco ang event upang ilatag ang mga bagong oportunidad para sa pangmatagalang paninirahan sa bansa.

Sinabi ni Konsul Rowena Pangilinan-Daquipil, sa ngalan ni Konsul Heneral Arnel Talisayon, na lumalakas ang reputasyon ng Pilipinas bilang isang mainit na destinasyon para sa mga retirado.

Nadagdag ang pinasimpleng proseso at mga insentibo sa pamumuhunan na bukas para sa mga dayuhan sa mga pang-akit ng Pilipinas sa mga gustong mag-retire sa bansa.

Binigyang-diin din ng opisyal ang galing sa English ng mga Pilipino kaya naaakit ang mga retirees.

Nagtungo ang delegasyon ng PRA sa Sacramento, California upang makilahok sa California Assisted Living Association (CALA) Spring Conference and Trade Show.