Droga Kinilala ni P/BGen. Arnold Thomas Ibay ang drug suspek na natimbog sa Dumaguete City.

Suspek na tulak laglag

Jon-jon Reyes Sep 29, 2025
107 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Dumaguete City Oolice ang isang 36-anyos na suspek na tulak na nahulihan ng 65 na gramo ng shabu na may presyong P442,000 sa Purok Santol, Brgy. Balugo, Dumaguete City noong Linggo.

Ayon kay Police Brig. General Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region Police, bandang alas-12:00 ng hatinggabi nahuli sa buy-bust si alyas Christopher Wong/Ping-Ping sa pangunguna ni P/Lt. Col. Don Richmon Conag.

Nakumpiska ng mga operatiba sa suspek ang 33 gramo ng shabu, android cellular phone at isang P1,000 bill.

Dinala ang suspek sa Dumaguete police station para sa booking at proper disposition.