QCPD

QC policemen tiniklo 18 suspek sa krimen

220 Views

LABING-walong suspek sa iba’t-ibang kaso ang naaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa warrant day operations.

Sa ulat kay QCPD acting director P/Col. Randy Glenn Silvio, kabilang sa mga naaresto ng mga operatiba ng District Mobile Force Battalion (DMFB) sa ilalim ng P/Lt. Col. Edgar Batoon si alyas John, 23, dahil sa kasong rape by sexual assault at acts of lasciviousness.

Naaresto ng mga miyembro ng Galas Police Station 11 sa ilalim ni P/Lt. Col. Joseph Dela Cruz si alyas Norman, 61, dahil sa kasong frustrated murder.

Inaresto naman si alyas Jing Rose, 38, sa kasong paglabag sa Batas Pambansa 22.

Laglag din si alyas Keith Russell, 30, sa kasong rape, paglabag sa RA. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act) dakong alas-12:00 ng tanghali.